imageimageimageimageimage
YOU ARE HERE Home

SEARCH FOR CLEANEST AND GREENEST BARANGAY

PDFPrintE-mail

Ang Lokal na Pamahalaan ng Dolores sa pamumuno ng Punong Bayan at ng opisina na MENRO ay nag lungsad ng paligsahan sa pinakamalinis at pinaka maayos na barangay. Ito ay sasalihan ng labing-anim na barangay sa nasasakupan ng Dolores. Ang naturang paligsahan ay nagsimula noong ika-11 ng Enero at matatapos ang paghuhusga ng mga nagwagi sa ika-30 ng Abril 2011 sa huling gabi ng Hambujan Festival.

Ang ilan sa criteria ng paligsahan ay ang pag aayos ng mga basura sa barangay (paghihiwalay ng mga basura sa tahanan pa lamang), pag tatali ng mga asong gala, malinis na estero at magandang lansangan at pagtatanim ng mga punong kahoy.

Ang magwawagi ay magkakamit ng limampung libong piso (P50,000.00), ang pangalawa ay tatlumpung libong piso (P30,000.00), ang ikatlo ay magkakamit ng dalawampung libong piso ( P20,000.00) at hindi naman magwawagi ay magkakamit ng limang libong piso ( P5,000.00) ang bawat isa.

Halina at tulungan natin ang ating barangay upang manalo sa paligsahang ito. Suportahan mo natin ang programang ito tungo sa ikalilinis at ika-uunlad ng bayan ng Dolores. Naway hindi po dito sa paligsahang ito matapos ang kaayusan at kalinisan ng bayan bagkus ay magpatuloy ito at palaganapin sa buong nasasakupan ng bayan ng Dolores.

What do you like best in Dolores, Quezon?