imageimageimageimageimage
YOU ARE HERE Home News PASKUHAN SA MUNISIPYO

PASKUHAN SA MUNISIPYO

PDFPrintE-mail

Muli na namang nagtagisan ng talento ang mga empleyado ng Lokal na Gobyerno ng Dolores sa pamamagitan ng paglikha ng mga naglalakihan at nag gagandahang parol para sa pagdiriwang ng kapaskuhan. Labing apat na parol ang maglalaban laban ngyong taon na nag mula sa ibat ibang departamento ng munisipyo. Nakasabit ang mga naturang parol sa harapan ng munisipyo upang mamalasan ng mga mamamayan ng Dolores.
Sa pangalawang taon ng kompetisyon ay naisipan at napagkasunduan ng mga hepe ng departamento na gawin na "parol making" ang kompetisyon sa halip na "christmas tree making"  na ginawa nung nakaraang taon. Noong nakaraang taon nasungkit ng opisina ng Accounting ang unang gantimpala at sinundan ito ng opisina ng Assesors at MENRO/LCR.
Inaanyayahan po ang lahat ng Doloresin at mga kabaybay bayan na pumasyal sa Dolores Christmas Park na matatagpuan sa harapan ng munisipyo. Sa inyong pamamasyal mamamalas ninyo ang mga naggagandahang parol at habang nakikinig sa mga nakakaaliw na pampaskong  himig.

MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON PARA SA LAHAT!

Add comment


Security code
Refresh