Kasalang Bayan

Print

Written by Administrator

Kasalang Bayan

Isang malaking tagumpay ang naganap na Kasalang Bayan sa Parokya ng Our Lady of Sorrows noong Marso 14, 2010 kung saan 74 pares ang tumanggap ng Sakramento ng Kasal.  Ang nasabing gawain ay inisponsoran nang butihing punong bayan na si Mayor Dok at ama ng ating lalawigan na si Gov. Raffy P. Nantes.

Pagkatapos ng Banal na Misa ay nagkaroon ng isang munting salo-salo (6pax/couple) na sinagot muli nila Mayor Dok at Gov. nantes. Bawat kinasal ay binigyan din ng regalo mula sa puso nila Mayor Dok, Gov. Raffy at BM Bong Talabong.